Sunday, May 12, 2013

#Tadhana...weh


Maraming klase ang tadhana. Tadhana sa kaibigan. Tadhana sa minamahal.
Hindi porket sinabihg tadhana ay permanente na. May Tadhanang maging kayo. Pero tadhana niyo ring magkahiwalay sa tagal ng panahon.

Maaring tadhana niyong maging kayo. Pero sa huli tadhana niyong maging magkaibigan na lang kayo.

May tadhana ring hanggang dun na lang kayo.

May tadhana ring maging kayo. Tapos mag kakahiwalay pala kayo. Pero tuturuan ka ng tadhana mong maging wais at malakas sa susunod.

Kaya pag umalis ang isang tao sa buhay mo. Hayaan mo sila.

May kasabihan tayong “Masamang makipaglaro o magbiro ang tadhana”. Pero tandaan mong may tadhana ring mabuti sayo. Hirap satin ang laging nakikita natin yung masama kasi nga hindi ka naman mag iinarte kung masaya ka diba?

Minsan lang maglaro ang tadhana. Pero alam mo na ang salitang laro ay pagiging sports lang diba? Alam mo naman siguro ang ibig sabihin pag naging sport ka sa isang bagay. May nananalo. May natatalo.

Tanggapin mo lang.

Ang tadhana mo ay hindi nakatali sa isang bagay o tao . Kaya nga tadhana diba? Ayun yung salitang mapagkakatiwalaan mo. At hindi porket iniwan ka ng taong yun ay masama na sila.

Ibig sabihin lang nun ay sila ay tapos nang maging parte ng buhay mo.

No comments:

Post a Comment