Monday, May 13, 2013

#Botoboto



Araw nanaman ng botohan...Marami sa atin ay bumoboto dahil nakasanayan na lang, may iba naman naniiwala pa rin na baka may pag babagong mangyari sa sisitema nang ating gobyerno at may iba rin nanniniwalang isa itong responsibilidad bilang isang Filipino.

Ngunit marami din ang ayaw na bumoto...

Marami tayong dahilan kung bakit ayaw na nating bumoto. Ako man ay minsan na rin nawala na ng gana bumoto. Isa sa mga dahilan ay hindi ang hindi    natin nakikitang pagbabago sa klase ng pagpapatakbo sa ating bansa.

Bakit pa tayo boboto kung wala namang nangyayaring pagbabago? Bakit pa tayo boboto kung puro kabulastugan lang ang ginagawa ng mga kumakandidato? Bakit pa tayo boboto kung dadayain lang naman ang boto ko? Bakit pa ako boboto kung hindi rin naman mananalo yung iboboto ko?

‘Yang mga dahilan na ‘yan kung bakit ayaw nating bumoto ang siya ring mga dahilan kung bakit tayo dapat bumoto.

Kung magde-decide tayo na hindi boboto hangga’t hindi nagbabago ang sistema sa Pilipinas, baka hindi na tayo makaboto kahit kelan…hangga-hangga habambuhay.

Para na rin natin sinabing hindi tayo gagawa ng mabuting bagay hangga’t hindi tayo nagiging banal at mabait. Hindi po iyon mangyayari kahit kelan.

Ang karamihan sa mga kung tawagain nating BOBO, MANGMANG, WALANG ISIP at UTU-UTO ang siyang nabibilang sa mga bumoboto. Sila ang namimili kung sino ang magpapatakbo sa Pamahalaan natin. Sila ang nagdedesisyon sa kinabukasan ng bansa natin. Sila ang nagiging identity ng ating pagiging Pilipino.

Tayong MATATALINO, tayong mga NAG-IISIP, tayong mga MAY MALASAKIT sa bayan, tayong mga NAKAKA-ALAM kung sino ang dapat at hindi dapat na mamuno sa atin, TAYO ANG HINDI BUMUBOTO!

 Tayo ang nagtataka kung bakit bobo mamili ang mga Pilipino. Tayo ang unang-unang nagpupunta sa social media para murahin ng murahin ang mga siraulong botante at tuligsain ang mga mamamatay tao at magnanakaw na gumagahasa sa ating bansa ng maraming taon!

Tayo ang matatalino, tayo ang mga nakaka-alam. Kung ganun, tama lang na tayo din ay dapat bumoto. Tama lang na mabilang din ang boto natin.

Kaya yung inaakala mo walang kwenta ang boto, aba mag isip isip ka! Huwag kang lang puro reklamo. Kailngan kumilos ka, dahil sa bawat isang boto ay makapangyarihan, pwede itong magpaupo ng isang mayama o mahirap,  isang matino o trapo o isang kurakot or may pagmamahal sa bayan.

Hindi man manalo ang iboboto ko ay boboto pa rin ako...sa sarili ko man lang alam ko na kumilos ako dahil gusto ko ng pagbabago sa mahal na BAYAN ko.

#botoboto

2 comments: