Monday, May 13, 2013

Malupet ka ba talaga sa chikas...sure ka?

Eh ano ngayon kung may number ka na ng babae na pinapangarap mo? 

Kahit number pa yan ni Sam Pinto, ano ngayon?Sa tingin mo dire-diretso na yan na magiging babae mo siya?Pagkakuha ng number, mag-rereply ba siya?

Kapag nagreply, tatagal ba ang usapan niyo?

Kapag nagtextan, mailalabas mo ba siya?
Kapag nailabas mo, sa tingin mo interesado na siya sayo?

Kung medyo interesado na siya sayo, sa tingin mo makakahalik ka na sa kanya?
Kung nahalikan mo na siya, sa tingin mo makaka-all the way ka na?

Kung naka-all the way ka na, sa tingin mo papatulan ka pa rin niya ulet kapag hinanap mo siya?
Kapag lagi niyo na ginagawa, sa tingin mo mamahalin ka niya?

Kung sa pagkuha pa lang ng number o sa pakikipag-usap pa lang sa babae,ay sobrang ikamamatay na dahil sa kaba o sa pagkawalang diskarte, MAG-ISIP ISIP NA. Marami ka pang dapat daanan at pag-aralan.

#dilaidla

#Eleksyon2013






























#Botoboto



Araw nanaman ng botohan...Marami sa atin ay bumoboto dahil nakasanayan na lang, may iba naman naniiwala pa rin na baka may pag babagong mangyari sa sisitema nang ating gobyerno at may iba rin nanniniwalang isa itong responsibilidad bilang isang Filipino.

Ngunit marami din ang ayaw na bumoto...

Marami tayong dahilan kung bakit ayaw na nating bumoto. Ako man ay minsan na rin nawala na ng gana bumoto. Isa sa mga dahilan ay hindi ang hindi    natin nakikitang pagbabago sa klase ng pagpapatakbo sa ating bansa.

Bakit pa tayo boboto kung wala namang nangyayaring pagbabago? Bakit pa tayo boboto kung puro kabulastugan lang ang ginagawa ng mga kumakandidato? Bakit pa tayo boboto kung dadayain lang naman ang boto ko? Bakit pa ako boboto kung hindi rin naman mananalo yung iboboto ko?

‘Yang mga dahilan na ‘yan kung bakit ayaw nating bumoto ang siya ring mga dahilan kung bakit tayo dapat bumoto.

Kung magde-decide tayo na hindi boboto hangga’t hindi nagbabago ang sistema sa Pilipinas, baka hindi na tayo makaboto kahit kelan…hangga-hangga habambuhay.

Para na rin natin sinabing hindi tayo gagawa ng mabuting bagay hangga’t hindi tayo nagiging banal at mabait. Hindi po iyon mangyayari kahit kelan.

Ang karamihan sa mga kung tawagain nating BOBO, MANGMANG, WALANG ISIP at UTU-UTO ang siyang nabibilang sa mga bumoboto. Sila ang namimili kung sino ang magpapatakbo sa Pamahalaan natin. Sila ang nagdedesisyon sa kinabukasan ng bansa natin. Sila ang nagiging identity ng ating pagiging Pilipino.

Tayong MATATALINO, tayong mga NAG-IISIP, tayong mga MAY MALASAKIT sa bayan, tayong mga NAKAKA-ALAM kung sino ang dapat at hindi dapat na mamuno sa atin, TAYO ANG HINDI BUMUBOTO!

 Tayo ang nagtataka kung bakit bobo mamili ang mga Pilipino. Tayo ang unang-unang nagpupunta sa social media para murahin ng murahin ang mga siraulong botante at tuligsain ang mga mamamatay tao at magnanakaw na gumagahasa sa ating bansa ng maraming taon!

Tayo ang matatalino, tayo ang mga nakaka-alam. Kung ganun, tama lang na tayo din ay dapat bumoto. Tama lang na mabilang din ang boto natin.

Kaya yung inaakala mo walang kwenta ang boto, aba mag isip isip ka! Huwag kang lang puro reklamo. Kailngan kumilos ka, dahil sa bawat isang boto ay makapangyarihan, pwede itong magpaupo ng isang mayama o mahirap,  isang matino o trapo o isang kurakot or may pagmamahal sa bayan.

Hindi man manalo ang iboboto ko ay boboto pa rin ako...sa sarili ko man lang alam ko na kumilos ako dahil gusto ko ng pagbabago sa mahal na BAYAN ko.

#botoboto

Sunday, May 12, 2013

#Tadhana...weh


Maraming klase ang tadhana. Tadhana sa kaibigan. Tadhana sa minamahal.
Hindi porket sinabihg tadhana ay permanente na. May Tadhanang maging kayo. Pero tadhana niyo ring magkahiwalay sa tagal ng panahon.

Maaring tadhana niyong maging kayo. Pero sa huli tadhana niyong maging magkaibigan na lang kayo.

May tadhana ring hanggang dun na lang kayo.

May tadhana ring maging kayo. Tapos mag kakahiwalay pala kayo. Pero tuturuan ka ng tadhana mong maging wais at malakas sa susunod.

Kaya pag umalis ang isang tao sa buhay mo. Hayaan mo sila.

May kasabihan tayong “Masamang makipaglaro o magbiro ang tadhana”. Pero tandaan mong may tadhana ring mabuti sayo. Hirap satin ang laging nakikita natin yung masama kasi nga hindi ka naman mag iinarte kung masaya ka diba?

Minsan lang maglaro ang tadhana. Pero alam mo na ang salitang laro ay pagiging sports lang diba? Alam mo naman siguro ang ibig sabihin pag naging sport ka sa isang bagay. May nananalo. May natatalo.

Tanggapin mo lang.

Ang tadhana mo ay hindi nakatali sa isang bagay o tao . Kaya nga tadhana diba? Ayun yung salitang mapagkakatiwalaan mo. At hindi porket iniwan ka ng taong yun ay masama na sila.

Ibig sabihin lang nun ay sila ay tapos nang maging parte ng buhay mo.

Saturday, May 11, 2013

“DOUBT”



Do we sometimes have a bout with doubt? Certainly! It is very common because we are but humans - we have grown up living by sight rather than faith. Is it ok to doubt? How does God view our struggles? How do we live our lives if we doubt our God?

Take heart. Let me comfort you by saying there is a big difference between honest doubt and unbelief. Unbelief is a willful choice and decision not to believe in God. Doubt is wavering faith. There are times we wonder if God is even listening to us or will answer our prayers. Other times, we question whether He will intervene in our crisis. It doesn’t mean you are an unbeliever. We wouldn’t need faith if we had absolute proof. When in doubt persevere, let’s never give up and quit. When we doubt, look upon the cross!

Unang Karanasan (NIKON L18)

Mga lumang kuha sa kauna-unahang camera ko
Dito ako unang nahilig sa tinatawag nilang libangan na Photography...